Inday Goes to Market

Ang Bonggang Pasabog!

Hello fans!

Super sorry sa aking pansamantalang pagkawala! Alam niyo naman ang buhay ko, punong-puno ng adventure! Nag-summer vacation kasi ang pamilya sa Europe at syempre bitbit nila ako! Di ako papayag na di ako makasama no! Hello!

Anyways, I’m back kaya magsaya na kayo ulit! Ang inyong number one at napakabeautilicious na Inday is back! Taray! Ako yun! HAHA

At sa aking bonggang pagbabalik, may bonggang pasabog din ako!

Nakita niyo na ba to?

 

Nasa website ng NBA ang Coors Light Blue Cold Rush Promo!

Taray lang te!

International na ang level ng Coors Light! At sino pa nga ba ang gumawa ng napakagandang promo na ito kundi Tagline! Duh! Tinatanong pa ba yun?

Kaya sa Coors Light at Tagline, COOOONGRATULATIONS!!

Aminin niyo mga fans, bongga to! At dahil dyan, bibigyan ko kayo ng exclusive ng Coors Light Blue Cold Rush Promo next week! Excited? Ako din!

Sa uulitin! Love you guys! I know you love me too! 


AdCong Day 1-Ang Bonggang SMART Booth!

Hello there!

Trulalu sa aking pinangako, bibigyan ko kayo ng update sa mga nanagyayari dito sa 22nd Philippine Advertising Congress!

Bonggang bongga ng mga booths dito sa AdCong mga fans! Talagang lighted and super big! Like malaki talaga!

 

Ang talagang pansinin na booth ay ang sa Smart! Tinalbugan niya lahat ng mga booths dito! With matching dome and tower ang drama nila mga fans! I soo love it!

Pagkapasok na pagkapasok ko sa booth, binati ako ng mga papalicious at mga sexy models. Sila, mga fans, ang aking mga ka-level. Mga artistahin! HAHAHA.

 

In na in ang booth na ito dahil sa mga 3D effects na  linagay nila sa kanilang mga AVP presentations. As a professional event tourist, masasabi ko na nakakaimpress ito dahil talagang walang may nakaisip nito sa mga kalahok ng AdCong! Talo sila, winner ang Smart! Taray!

Present lahat ng brands ng Smart from Smart Bro to Smart Netphone! Feel na feel ko ang power ng Smart na dumadaloy sa aking katawan habang nasa loob ako ng booth nila! Powerful! All out power!

 

Speaking of powerful, napakapowerful din ng mga freebies na pinapamigay ng Smart! Ang pinakafavorite ko sa mga ito ay ang FREE YOGURT! Perfect ito para sa aking diet! Nananatili akong sexy kahit malayo ako sa aking mga healthy stores in Manila!

Nung una, akala ko ay hanggang dun lang nagtatapos ang Smart Booth Experience. Dun ako nagkamali! Meron pa silang FREE REVERSE BUNGEE JUMPING EXPERIENCE sa likod ng booth. Sobrang saya nito at talagang feeling ko titilapon na ako sa langit! Ang taas ng talon ko!

Isa sa mga highlight ng booth ng Smart ay ang AdVenue Bus na handog sa atin ng number one advertising agency in the world-Tagline Communications Inc. Sobrang sosyalin ng bus na ito at dahil diyan ay ifefeature ko siya sa aking next blog for tomorrow! Bibigyan ko na lang kayo ng sneak peek para masatisfy ang inyong mga sabik na sarili! HAHAHA

 

Sa Smart AdCong booth pa lang, solve na solve na ako kaya di ko na masyadong pinuntahan ang iba. Sa mga freebies at high tech na mga elements nila, may hahanapin pa ba akong iba?  Winner!


Super Exciting Balita for you, my fans!

Hello fans!

Eto na!

Eto na ang pinakahihintay na moment ng mga advertising junkies na tulad ko!

Sa wakas, makalipas ang dalawang taon, mawiwitness ko na ulit ang PHILIPPINE ADVERTSING CONGRESS!!

Oh diba? Bonggang intro!

To make it more exciting, gusto ko malaman niyo na andito ako LIVE! Gusto kong mafeel niyo din kung gano ka-saya ang AdCong kaya bibigyan ko kayo ng mga daily updates sa mga nangyayari dito! Ang swerte niyo talaga na I’m so mabait!

Para may idea kayo sa AdCong, ito ay pagtitipon tipon ng mga advertising at marketing companies kung saan shinoshowcase nila ang kani-kanilang mga angking-galing sa mga delegates! Honest to goodness truth, sobrang dami kang matututunan dito!

Ang theme ng AdCong sa taong to ay “Change the Game”! Talaga naming agree na agree ako diyan! Sa mga nakalipas na mga taon, pansin na pansin na talagang pataas ng pataas na ang level ng mga advertisements sa ating bansa! Sa pag e-event tourism ko pa lang, kitang kita na ito!

Oh siya, mga fans, abangan niyo na lang ang aking mga susunod na updates!

Ang soyooooooo!!



Hellooo World!

Gusto ko lang i-share kung gaano ako ka-excited at ka-impressed sa bagong logo ng aking favorite network-ang Smart Communications!

Pinasabog nila ito nung Black Eyed Peas Concert sa MOA nung October 25, 2011.  Sobrang hit na hit saken ito! Colorful like a rainbow!

Check niyo guys ang video na ito and I’m sure maiimpress din kayo!

You love it? I love it too!



The Amazing Smart Bro!

Hello Hello!

It’s been a long time mga fans!

Mustamos kayo diyan?

Talagang sorry sa matagal na entry mga fans! Talagang busy lang ang Inday niyo.  Agawan kasi kami sa computer sa bahay!  Lagi kasing ginagamit ng mga alaga ko para sa mga assignment nila eh! Tumutulong ako paminsan minsan lalo na sa English-feeling ko kasi ka-level ko na si Kris Aquino sa Inglesan! Taray te! HAHA

Napahanga ako sa bilis ng Smart Bro in fairness! Sa dinami dami ba naman ng mga  dina-download ng mga alaga ko para sa research nila, hindi pa din pumapalya ang bilis ng internet connection.

                                         

Winner na winner saken ang Smart Bro hindi lang sa bilis kundi sa presyo din! Sulit na sulit! Actually, kung tutuusin napakamura na ng binabayad namin para sa bilis na binabahagi samin ng Smart Bro!

Nagavail ako ng Starter Plug-It nila para sa personal kong use. Sa mga UnliSurf promo nila, solb na solb ako sa mga pinapanood kong koreanovela sa internet! Dahil sa Smart Bro, natapos ko isang season ng aking paboritong koreanovela sa loob ng tatlong araw!  Kung sa iba pa yun, malamang umabot na ako ng isang buwan o mahigit kakaantay na magload ang aking mga Korean papables sa screen!

                                                                                                

Nagagawa ko na rin ngayon makipagchat sa aking mga long time yaya buddies ng todo to the max nonstop! Chikahan kami nila Mimay at ang barkada sa mga crush naming mga guards at drivers!! Love it! Kakilig lang!!

Mga fans at mga friends, so totoo lang, paminsan minsan lang ako mabaliw sa isang produkto ng ganito pero really, switch na kayo sa Smart Bro para sa Internet connection niyo! Wow na wow!

Go fans! Go friends! Go Philippines!!


Smart Netphone @ SM Fairview

Mga fans! Narinig niyo na ba ang bagong pasabog ng Smart?

Naglabas ng panibagong cellphone ang Number 1 Network sa bansa! Ang Smart Netphone!

Nalaman ko ang pasabog na ito ng Smart nung nagpunta ulit ako sa SM Fairview nung Saturday! Day off ko kasi nun at naisipan kong manuod ng sine. Super atat na kasi ako mapanuod ang No Other Woman! Ahihi. I look like Anne Curtis kasi!

      

Anyways, so ayun, palakad lakad ako sa mall habang nagaantay sa showing ng No Other Woman, nang napansin ko ang ala-Star Wars na booth ng Smart. Parang nag time travel ako! Honest to goodness- kinilabutan ako! Perfect!

Nagmadali akong lumapit sa booth. Tila na-hypnotize ako dahil sa mga sandaling iyon, wala na akong pakialam kung sino mabangga ko habang ako ay papalapit sa booth. Talagang tutok na tutok ako sa beauty nito! Bonnga! Winner ka day!

Paglapit ko, inanyayahan akong magregister ng isang super cute na model ng Smart. Todo pacute naman ang lola mo! Who knows diba? Landi! Hahahaha

Pagkatapos kong magregister, pumasok na ako at nagtanong tanong. In fairness, na-impress ako sa mga models nila. Talagang alam na alam nila ang produkto! Eh ba’t naman hindi? Tagline kasi ang organizers nito! Smart and Tagline together is like Me and my beauty-walang katulad! HAHAHA

 

Alam niyo ba mga fans na napaka-high tech ng phone na ito complete with Social Streaming, Chat Streaming at ang Netphone Messenger? Talagang bagay na bagay sa mga kabataan tulad ko at sa mga young at heart tulad niyo! HAHAHA. Alam naman natin lahat na ang Social Networking ang isa sa mga “in na in” na trends ngayon kaya perfect ang Netphone para dito! Loove it!

Napatunayan nanaman ng Smart na sila ang nangunguna sa lahat ng mga mobile networks sa ating bansa! Im sure na may mas bongga pang pasabog ang ito sa susunod! Wait lang kayo! Pero sa ngayon, punta na kayo sa pinakamalapit na Smart Wireless Center sa lugar niyo at mag –avail na ng Smart Netphone!

Sa uulitin! Love you guys! Mwah! 


Sa Ngalan ng Kagandahan!

Nakakabigla talaga ang bilis ng ihip ng panahon!

 

Parang kahapon lang na binibihisan ko ang mga alaga ko. Ako pa ang pumipili ng mga susuotin nila sabay fashion advice lalo na sa mga dalagita.

 

Pero ngayon, inuutusan nalang ako na bilhin ang mga hilig nilang damit at make up! Talaga naman!

 

Isa sa mga paboritong ipabili saken ng mga dalaga kong alaga ay ang San San Cosmetics. Aprub naman ako dito dahil sa gumaganda pa lalo sila Neneng at Nenita kapag gamit ito. Ika nga, swak na swak ang pag-enhance nito ng mga balat ng Pilipina.

     

Kung sa bagay, talagang naka-formulate ang San-san para mas lalo pang pagandahin ang mga Pilipina! At dahil dyan, masasabi kong winner kayo San-san! Kayo ang nagwagi! MUSIC!

 

Ano pa ba inaantay natin mga fans? Try na natin to! Para sa ngalan ng kagandahan, sumugod na tayo sa mga HBC outlet stores at bumili na ng sandamakmak na mga produkto from San-san! Pagandahin pa natin lalo ang sambayanang Pilipinas!

 

Go girls!

 

Magpa-beautilicious na tayo! Bongga!!


A Friendly Reminder from your Inday!

Unang una sa lahat, gusto kong ipadama sa inyo mga fans ang matinding kalungkutan na bumabalot sa aking pagkatao ngayon dahil sa naganap na bagyo kama kalian lang. Talagang “my heart goes out to you” mga kababayan.

                 

Binaha nanaman ang Metro Manila at nagsikalat ang mga germs through the baha! OMG! Like so kadiri! Kaya a friendly reminder lang mga fans, mag hugas ng maigi. Para mas lalo pang protected, mag lagay din ng maaasahang alcohol! Suggestion ko? HYGIENIX!!

               

Sa aking experience bilang tagapagtaguyod ng kalinisan at kaayusan sa pamamahay ni Maam, ang Hygienix lang ang talagang pumasa sa standards ko. At I’m sure alam niyo lahat mga fans kung gaano kataas ang standards ko! HAHAHA

Ang talagang nakakaganda pa sa Hygienix Alcohol ay ang mahalimuyak nitong amoy! Di ito amoy hospital mga fans kaya winner na winner! Minsan nga eh napagkamalan pa ni Mimay na perfume ko ang Hygienix. Ganung level fans!

But wait! There’s more! Oh diba? Parang infomercial lang? HAHAHA

May antibacterial hand sanitizer din sila na MAS mabango pa sa Hygienix alcohol! Oh! San ka pa dba? All in one and everything ang drama ng Hygienix! BOONGGAA!!

So fans, this is it! Bili na kayo para sabay sabay nating papatayin ang mga germs na nagsikalat during Bagyong Pedring. Wawasakin natin ang pangit nilang mga mukha gamit ang ating beauty at ang Hygienix! Go, go, go!

*images courtesy of chuvaness.com and Splash Corporation 


Smart MVP Run

Takbo! Takbo! Takbo!

Yes friends! Tumakbo nanaman ako nung July 16, 2011! This time kasamo ko si Sophie, ang brand new aso na binili nila MaaM

Naisipan ko na sa Mall of Asia dahlhin si Sophie dahil gusto ko mafeel niya ang ocean breeze! Love na love kasi ako ni Sophie kaya mamahalin ko din siya. Dapat lang the best lahat ng ibibigay ko kay Sophie!

Anyways, so ayun, jogging ever kami ni Sophie, nang masilayan ko ang kasiyahan sa may bandang concert grounds ng MOA.  MVP Run daw! Sa MVP pa lang, alam ko na, na kasali ang Smart dito-my favorite network ever!! Lurv it!!

So lumapit ako at hulaan niyo kung sino nakita ko dun? Tama kayo dyan mga fans-Tagline!! Yes, sila ang nag-organize sa booth activities ni Smart para sa MVP run! So bongga ever ang set up-complete with Kinect tsaka PET GROOMING!! Aba! Talagang pina-groom ko si Sophie para mas maging cute pa siya tulad ko!  Alam niyo naman lahat na cute ako kaya keri lang! HAHAHAHA

 

Sobrang cute ni Sophie pagkatapos siyang ma-groom! Pinalagyan ko kasi siya ng hairstyle! Parang magkamukha na kami! Ganung level fans! 

May free picture taking din ang Tagline para sa mga runners at sa mga cute nilang alaga. So nagpapicture din ako-for FREE!!! Tuwang –tuwa ako sa free picture! Ang babaw ko lang! HAHAHAHA

Plus, may Kinect pa sila na game sa booth! ENJOOY na ENJOOOY ako! Alam niyo naman na Star Dancer ako sa Leyte! Igiling-giling! HAHAHA

Although sayang, kasi di ko napakunan si Sophie ng picture! Bonding moments kasi siya with her doggie friends! Ahihihi

In the end, enjoy na enjoy ang mga MVP employees sa booth ng Smart! Eh kung Tagline nga naman ang mag-oorganize, bakit naman hindi?

Sa uulitin Tagline!

You guys are the best! 


Halls Cool Crew

Hello super faans!

Traffic na traffic kahapon grabe! Nakakabagot talaga ang mag-antay sa kotse ng walang magawa kundi tumungaga at mamansin ng mga tao na dumadaan. Minsan nagpapacute na lang ako sa mga gwapo na napapanganga sa aking beauty!

Well, nagbago ang lahat yan kahapon nang nagsirampahan ang mga taong asul ng Halls! Ang Kool Krew kung tawagin! Aliw na aliw ako fans! Kung dumaan kayo sa may Cubao area kahapon, sure ako mapapansin niyo din sila. Nagmistula silang mga bloke ng yelo na palakad lakad sa daan with matching traffic endorser moves! Go mga kuya! GO!

Kung di lang nag-green light, kakausapin ko sana sila at lalandi sana ako. Ang cute kasi eh!

 

Pagdating ng hapon,inutusan ako ni Maam na mag-Megamall para mamili ng mga groceries. Guess what? Nakita ko nanaman ang Kool Krew ng Halls sa streets! Ay aba! Linapitan ko na! Pa-beautiful eyes drama ko te! HAHAHA

Nalaman ko sa kanila na Tagline ang mastermind sa likod ng gimmick na to! Magtataka pa ba ako? Ganun talaga kagaling mga taga-Tagline! Creative Insights and Excellent Execution ika-nga!

 

Talagang napasaya ng Halls at Tagline ang traffic kahapon sa ibat ibang parte ng siyudad! Mga fans, mag antay antay lang kayo at sure ako makikita niyo din ang Kool Krew ng Halls na umaaligid sa pinakamalapit na kalsada sa inyo! Wait lang kayo!

 

Sa uulitin!

Mwah!


15
To Tumblr, Love PixelUnion